Powered By Blogger

Red Deer Advocate - A million miles away from home

Against All Odds

TO LOVE AND BE LOVED

TO LOVE AND BE LOVED
IF THERE IS LOVE IN OUR HEARTS, THERE IS PEACE WITHIN US.

SPREAD YOUR WINGS

SPREAD YOUR WINGS
EXPLORE YOUR HORIZON

Popular Posts

Wednesday, September 19, 2012

LIGAW NA KALULUWA

LIGAW NA KALULUWA♥♥♥

Sa kagubatan aking natagpuan
Kapayapaan ng aking isipan
Kagandahan ng kapaligiran
Dahil sa makukulay na tanawin
At sumasayaw na mga dahon
Dahil sa malamig na ihip ng hangin
Ay nagbibigay kulay at liwanag
Sa nagdaramdam na puso't isipan.
Aking pinagmasdan mga ligaw na bulaklak
Silay namumukod tangi kahit di inaalagaan
Mga bubuyog at paruparo'y dumadapo
Para langhapin taglay nilang halimuyak.
Di ko maiwasan ihambing ang aking sarili
Para akong ligaw na kaluluwa
Dito sa lugar na kung tawagin
Ay lupa ng buhay na kalangitan
Dahil ako'y nag-iisang nasadlak dito
Walang pamilya at kamag-anak
Pero maraming mapagmahal na kaibigan
Na sila ang pamilyang ibinigay ng Dios
Para mamuhay akong may katuwang
Sa ano mang hirap at ginhawa
Na maranasan sa araw -araw na pakikibaka.
Salamat o Dios sa mga biyaya
Kahit maraming pagsubok na nararanasan
Ako'y nabubuhay pa rin ng matiwasay
Iniaalay ko aking buhay sa yo
Sa pamamagitan ng pagsilbi na may pag-ibig
Para sa kabutihan ng lahat at ng aking sarili.



No comments:

Post a Comment