Powered By Blogger

Red Deer Advocate - A million miles away from home

Against All Odds

TO LOVE AND BE LOVED

TO LOVE AND BE LOVED
IF THERE IS LOVE IN OUR HEARTS, THERE IS PEACE WITHIN US.

SPREAD YOUR WINGS

SPREAD YOUR WINGS
EXPLORE YOUR HORIZON

Popular Posts

Tuesday, September 4, 2012

ANG AKING BUHAY

IniiYakan ko ang mga sandaling ako'y nasasaktan
Pumapatak ang mga luhang dulot ng kapighatian
Kadalasa'y lungkot ang aking nadarama
Sadya bang ganito ang dulot ng buhay?
Masaya ka ngayon pero bukas o makalawa
May kakungkutan namang darating
.

Sana'y wala ng wakas ang kaligayahan
Pero ang buhay ay sadyang masalimuot
Sabagay di naman tayo pinangakuan
Ng buhay na puro kasiyahan at kagandahan
Kundi buhay na sadyang makulay at makulimlim
Para lalong tumatag na harapin ang bagyong darating.

Salamat Panginoon sa dulot mong kalakasan
Dahil sa dakila mong pagmamahal at pagpapala
Patuloy ang pag-ikot ng aking mundong pagulong-gulong
Minsan ako'y nasa ibaba,minsan nasa ibabaw
Para maramdaman ang tunay na kahulugan ng buhay
At magbigay puri at pasasalamat sa iyong Kadakilaan

No comments:

Post a Comment