Powered By Blogger

Red Deer Advocate - A million miles away from home

Against All Odds

TO LOVE AND BE LOVED

TO LOVE AND BE LOVED
IF THERE IS LOVE IN OUR HEARTS, THERE IS PEACE WITHIN US.

SPREAD YOUR WINGS

SPREAD YOUR WINGS
EXPLORE YOUR HORIZON

Popular Posts

Thursday, January 19, 2012

NARITO ANG MGA PALAD KO

NARITO ANG MGA PALAD KO-:)

by 
Kaibigan, bakit malungkot ka at may sulat ka pang daladala? Indespair ka ba? Ano man yang problema mo, narito ang mga palad kong handang dumamay para sayo... Hmmm, hiniram ko lyrics ng kanta ni Rey Valera, hehe.Ang totoo kaibigan, mas lalong ako ang nasasaktan at nalulungkot kapag nakikita kong malungkot ka kasi di mo man sabihin ang iyong nadarama ay ramdam ko ang kabigatan ng iyong dinadala.Action speaks louder than words ika nga. E totoo naman kasi, di ka man magsalita e kita ko naman mga luhang umaagos sa mga pisngi mo. Kaya heto ang mga balikat ko, handang handang sandalan mo para naman gumaan pakiramdam mo. Pero hwag lang biglang maglilikot ang utak,mata at kamay mo kasi handang handa ring sumampal ang mga malambot kong palad at kita mo naman ang laki ng mga braso ko na handang bumoksing sayo. Isang suntok ko lang knoack out ka na. Ito kaya counter part ni Manny Pacquiao hehe.Ok, pwera biro na ako, ano ba problema mo kaibigan? Handa akong makinig at dadamayan kita ano man yang pasan-pasan mong krus.What are friends for kung di magdamayan at magtulungan ,di ba?
Matanong ko uli, bakit may daladala ka pang sulat? suicidal letter ba yan? Naku kaibigan, ano man yang masama mong binabalak, hwag mo ng ituloy kasi gaano man kalungkot ang buhay, gaano man kabigat ang mga problema, lahat ay may solusyon kasi hindi tayo binigyan ng Panginoon ng problemang di natin kayang malusutan. Lahat ay may kalunasan ang mga problema. Magtiwala ka lamang sa Poong Maykapal.Ang kailangan mo'y tibay ng loob at lakas na manggagaling sa Kanya.Hindi ka pababayaan gaya ng di niya pagpapabaya sa akin. Tingnan mo buhay pa rin ako hanggang ngayon kahit minsan ay binalak ko ring magsuicide kasi hindi pa tapos ang misyon na ibinigay sa akin at yan ay ang magpalakas ng loob sa mga taong tulad mong nawawalan na ng pag-asa sa buhay..... ehem, good morning myself, hehe.Totoo naman e, wala man akong kakayahang tumulong ng pinansial pero may kakayahan akong magpalakas ng loob sa pamamagitan ng aking moral support.Kasi hindi lahat ng bagay ay matutumbasan ng pera. Yung pagtapik ko sa balikat ng taong nalulumbay o nawawalan ng pag-asa ay may kakayahang baguhin ang takbo ng isip, magliliwanag ang kanyang kapaligiran at magiging masaya na uli siya kasi malalaman niyang may karamay na siya at kakampi. That's the magical moment of my touch ika nga, hehe. Di mo ba alam, may kakambak akong fairy, hehe ulit. Oyyyy, ngumiti na siya. Yan,ang sinasabi ko sayo.... Ngumiti ka at kung maari tumawa ka dahil laughter is the best medicine. Samahan kitang tumawa ng malakas at isigaw, Salamat Panginoon sa isang kaibigang may palad na handang dumamay sa akin.Hanggang dito na lang muna mga kaibigan ang aking drama kasi antok na ako.... Kahit maigsi sana may naidulotding ligaya at aral sa inyo. Kung wala man e damayan na lang ninyo tong kaibigan nating bigo sa pag-ibig, hehe.

No comments:

Post a Comment