Powered By Blogger

Red Deer Advocate - A million miles away from home

Against All Odds

TO LOVE AND BE LOVED

TO LOVE AND BE LOVED
IF THERE IS LOVE IN OUR HEARTS, THERE IS PEACE WITHIN US.

SPREAD YOUR WINGS

SPREAD YOUR WINGS
EXPLORE YOUR HORIZON

Popular Posts

Thursday, January 19, 2012

DAKILANG KAIBIGAN

DAKILANG KAIBIGAN

Isa kang biyaya na bigay ng Dios sa amin
Isang kapatid na mapagmahal at maunawain
Lalo na sa amin na walang kamag-anak dito sa malawakang lupain
Napadpad upang tuparin ang aming nanaisin.

Ang iyong mga ngiti na punongpuno ng ligaya't sigla
Nagbibigay lakas sa aming pakikibaka
Alam naming marami kang pinagdaanang hirap sa iyong kawanggawa
Ngunit kasiyahan ang nasisilayan sa iyong maamong mukha.

Para sa amin isa kang mabuting ina at kaibigan
Mga payo at pangaral naitanim sa aming isipan
Na sila ang nagsisilbing gabay at inspirasyon
Sa araw-araw naming pakikipagsapalaran.

Maraming salamat sa Dios sa iyong kapanganakan
Nasilayan m0 ang ganda ng mundong iyong ginagalawan
Kahit ang buhay ay punong puno ng hirap at kapighatian
May Dios na nagmamahal at gumagabay para sa magandang kabuhayan.

No comments:

Post a Comment